1 * #text #personal #ldr #relationshipsMinsan nagiging mapaghanap ako. Yung tipo bang gusto ko sana sweet siya when I’m not having a good day. Na sana magtetext siya ng mas maaga kapag madami akong gustong ikwento tungkol sa araw ko, kasi nandun yung kasabikan na naging makabuluhan ang araw mo at hindi yung tipong nasa kwarto ka lang buong araw tas wala kang ginagawa.
Pero masisisi mo ba ako? Syempre namimiss din kita noh. 3 buwan ba naman tayo di magkita, tanging text lang at minsanang tawag ang meron tayo eh. Ewan ba. Ang unfair lang kasi, may mga relationships naman na ang bilis bilis lang magkita, pero tayo, bago pa magkita ang daming dapat ayusin sa schedule, ang tagal ng pagpaplano, tapos minsan yung pinagplanuhan, fail pa. Pano ka namang matutuwa dun diba?
ANYWAY, di naman ako sa nagrereklamo, pero nakakalungkot lang kasing isipin na ang komplikado madalas eh. Nakakainggit lang yung iba. Hai.
-
meggumiwriteups reblogged this from meggumi
-
meggumi posted this
